A
Apprehensive_Ice2830
1d
Half a mil na Lenovo Laptop?





May inaanak ako, 16 yrs old na siguro sya, kaggraduate lang ng grade 10. Alam ko medyo mahirap yung family nila kaya every christmas, lagi ko sya binibigyan ng pamasko or gifts, syempre ninang duties. Hindi naman kami super close ni kumare kasi kamag anak ko sya, and nung 10 yrs old palang ako kinuha na nya akong ninang. Ganun pa man, pinanindigan ko naman ang pagiging ninang.
Since christmas 2024, nagkausap na kami nung inaanak ko kasi binilhan ko sya ng Art Set dahil nakikita ko ang fb page nya, mahilig sya sa arts. Edi syempre tuwang tuwa sya. Then come december 2025, nagkkwento sya sakin na yung ibang artworks nya nabebenta nya sa mga classmates nya, pero may request sya na ang gift ko nalang sa kanya sa pasko ay stylus pen para makapag draw sya sa phone nya. Since wala naman din ako maisip na mairegalo sa kanya and mura lang naman yung hinihiling nya, pinagbigyan ko sya. Edi tuwa na naman si bagets. Tuwa din naman ako as a ninang kasi naiisip ko na wow baka si bagets ang mag ahon sa pamilya nya sa kahirapan, dahil yung passion nya, nagagamit nadin nya sa business.
Fast forward ngayong May, nagchat sya sakin na naggraduate na sya ng grade 10, and since Arts and Animation daw ang kukuhanin nyang strand, need nya high capacity for apps/software and malaking gb, gusto nya ng Lenovo na laptop. Medyo nawindang ako dito kasi knowing lenovo, tapos high capacity, alam ko for gaming laptop ang mga ganyan. Tinanong ko sya kung magkano ba yung like nya, tapos teh ang sinend sakin nasa 300-500k na price range. Napa-wtf ako at naisip ko, ganyan ba talaga, di manlang nahiya na ang isesend nya sakin nasa almost a million. Triggered din ako sa sinabi nya “Kayo nalang po mag tingin kung ano maganda para saakin:> “. Parang bata lang na namimili ng sapatos. Na-shook lang din ako kasi alam ko public school sya nag aaral, pero bakit kailangan ng laptop na 5x ng tuition sa private school. Dios mio.
Being a paranoid person, napaisip ako, sobrang complex ba nung apps na kailangan nya and kung talagang kailangan ba nya yun. Naisip ko din, baka naman yung pagrefuse ko na tumulong ang maging mitsa na hindi matupad ang pangarap nya.
PS: Ini-stalk ko sya, may jowa pala syang computer technician. Naisip ko tuloy baka naman ibibigay lang nya sa bf nya yung laptop